KWENTONG FP!

Hindi ka nag-iisa. Narito ang iba’t ibang kwento ng mga Pinoy at Pinay na piniling gumamit ng FP!

Daisy & Mario

Pili ang paggamit ng IUD

“Wala akong nararamdamang sakit... madali lang sa amin, sobrang komportable. Masasabi rin natin na kaya rin nating magbigay ng full support financially at kung ano ang pangangailangan ng bata dahil tatlo sila. Kaya kinukumbinsi kita kung mahina ka, bakit hindi? Magpapatuloy ang kaligayahan!”

Marife at Vincent

Pinili ang Injectable

“Panoorin ang kwento nila Marife and Vincent at alamin kung bakit mahalagang pag-usapan ng mga mag-partner ang paggamit ng FP!”

Joy

Pinili ang Ligation

“Sinabay ko po ang pag Ligate sa akin nung pagkapanganak ko sa bunso ko. Dahil nga Cesarean ako, ayaw ko na po madagdagan ang anak ko…hindi namin alam kung mapapa-aral ba namin sila… mapapakain ba, maibibigay ba ang lahat ng kanilang pangangailangan…
Sa pagbuo ng pamilya kailangan magkaroon po tayo ng gap sa mga bubuuin na anak.”

Joan at Marlon

Pinag-uusapan ang Family Planning

“Panoorin ang kwento nila Joan at Marlon na piniling pag-usapan ang family planning together para future ng kanilang pamilya ay better! ”

Alex

Pinili ang Vasectomy

“Ang naging epekto ng Vasectomy sa akin ay maayos naman at normal lalo na sa sex…natuwa din si [misis] dahil wala nang kaba na madagdagan pa ang anak. Sapat na kasi sa amin ang tatlo kaya ako nagpa Vasectomy.
Bilang asawa, kailangan lang magkasundo kayo sa lahat ng desisyon para kung ano ang plano niyo sa dami ng anak na inyong binabalak…para mapalaki namin ng maayos at mapag-aral sila hanggang sa kanilang paglaki.”

Andrea at Adrian

Nakapili ng FP Method sa tulong ng Health Center

“Alamin kung paano nakatulong ang health center sa FP journey nina Andrea at Adrian at matuto sa kanilang karanasan sa pagpili na mag-family planning para sa kanilang kinabukasan.”

Lani

Gumagamit ng Injectables

“Masaya, kasi kahit papaano wala na yung pangamba ko na hindi na ko mag-aalala pa na mabuntis ako…
Sa mga kagaya kong nanay na ayaw mapabayaan ang ating mga anak, sa pag-laki, pag tanda, hinihikayat ko po kayong gumamit ng mga contraceptives na ayon sa kagustuhan po ninyo. Na pwede naman po tayong tumawag sa mga health center na malapit po sa atin, sa mga Barangay. Para rin po sa mabilis at mabisang pamamaraan. Tayo po’y lumapit sa mga health center at gumamit ng contraceptive.”

Adrian at Marlon

Nagbahagi tungkol sa kanilang FP journey

“Ang Family Planning ay hindi lang para sa mga babae, para din ito sa ating mga kalalakihan. Panoorin ang kanilang kwento para malaman kung bakit ang mga kalalakihan ay pwedeng-pwede rin gumamit ng FP method bukod kay misis. ”

Marife at Andrea

Pinaplano ang kinabukasan sa tulong ng FP

“Alamin ang mga tips nila Marife at Andrea para sa mga kapwa misis na gustong mag FP.”

Evangeline, Marinel, at Juanita

Ating mga Health Workers na handang magbigay ng suporta sa iyong FP journey

“Gaano nga ba ka importante ang FP para sa mga babae? Pakinggan ang kwento ng ating mga healthcare workers tungkol sa Family Planning at alamin kung paano magkaroon ng mainam na pagitan ng pagbubuntis o "Healthy Birth Spacing" mula sa karanasan nila Evangeline, Marinel, at Juanita.”