FAMILY PLANNING METHOD

Condom

Proteksyon laban sa HIV o STI

PAGKA-EPEKTIBO

87%

Mabisa kung ginagamit nang tama

Libreng kumunsulta tungkol sa CONDOM sa mga klinika ng gobyerno o sakop ng PhilHealth!

MGA BENEPISYO SA PAGGAMIT NG CONDOM

  • Protektado ka sa pagbubuntis. Makipaglambingan nang walang pag-aalala!

  • Ito ay epektibo.

  • Walang hormones.

  • Nag-iisang FP na may proteksiyon laban sa HIV at mga sexually-transmitted infections (STI).

PAANO ITO GAMITIN

Gagamit ang lalaki ng isang manipis na balot na isusuot niya sa matigas niyang ari bago ang pakikipagtalik para hindi pumasok ang tamod sa ari ng kanyang partner.

TANDAAN

  • !

    Dapat tama ang paggamit ng condom tuwing makikipagtalik. Kailangang meron kang condom palagi.

MGA MALING AKALA TUNGKOL SA CONDOM
  • circle-x
    Madaling masira ang condom
    Ang condom ay sinisiguradong gawa sa matibay na materyales. Subalit kailangan pa ring siguruhin na ang gagamitin mong condom ay nakaselyo at ayon sa petsa ng paggamit upang makatiyak na ito ay bago at walang sira.
Mga karaniwang tanong tungkol sa CONDOM
Mas protektado ba kapag dalawang condom ang suot?

Ang isang condom ay sapat na upang maproteksyunan kayo ng iyong partner sa pagbubuntis kung ito ay ginagamit nang tama. Kapag dalawang condom ang iyong ginamit, maaaring magdulot ito ng pagkabutas o pagkasira ng condom.

Tawag na sa Usap Tayo sa Family Planning Helpline para makakuha agad ng ekspertong payo tungkol sa FP!

Usap Tayo sa FP Helpline:
09175970770 | 09988652810

Hanapin ang Pinakamalapit na Health Center o Clinic

Hindi pa sigurado sa FP mo? I-take ang Family Planning Quiz para mahanap ang FP na swak sa'yo!