Tara, pag-usapan natin ang Family Planning.Alamin kung anong FP na swak sa ‘yo!

Ang Family Planning o “FP” ay ang paggamit ng ligtas at epektibong method upang ipagpaliban muna ang pagbubuntis. Pwede kang magka-baby sa panahong gusto mo na, o pwedeng itigil na ang pagbubuntis kapag kumpleto na ang iyong pamilya.

Kaya mong makamit ang mga pangarap mo para sa iyong sarili at sa iyong pamilya kung gagawin mong bahagi ng iyong pamumuhay ang FP. Kaya tara, suriin natin ang iba’t ibang FP Methods na pwede mong pagpilian at hanapin ang FP na para sa’yo!

Okay ba gumamit ng Family Planning o FP? Anu-ano ang mga benepisyo nito?

Oo naman! Ang Family Planning ay makatutulong sa

  • KALUSUGAN
  • PINANSYAL NA SEGURIDAD NG INYONG PAMILYA

Family Planning Methods

May narinig ka na ba tungkol sa FP, ngunit hindi ka sigurado kung ano ito o kung paano ito gumagana? Narito ang iba’t ibang FP Methods na pwede mong pagpilian! Makipag-usap sa iyong partner para makapili kayo ng uri ng FP na swak sa inyo at sa inyong pamilya. Pwede rin kayong komunsulta sa doktor, nars, midwife, o barangay health worker sa pinakamalapit na ospital o health center.

KWENTONG FP

Wala akong nararamdamang sakit... madali lang sa amin, sobrang komportable. Masasabi rin natin na kaya rin nating magbigay ng full…

- Daisy & Mario ( pili ang paggamit ng IUD )

Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang Usap Tayo sa Family Planning at Healthy Pilipinas sa Facebook

Hindi pa sigurado sa FP mo? I-take ang Family Planning Quiz para makahanap ng FP na swak sa'yo